Kafu Kaden

Mula sa Kafu Kaden:
Primera klaseng computer sa abot-kayang halaga

NGAYONG kapapalit lamang ng taon, siguradong marami na naman sa ating mga kababayan ang nagbabalak bumili ng bagong computer. Paano ba naman, necessity na kasi ngayon ang pagkakaroon ng computer. Malaking tipid ito para sa mga Pinoy na nasa Japan na madalas makipag-usap sa mga pamilya at kaibigan nila sa Pilipinas. Bukod dito’y indispensable rin ang computer para sa mga estudyante sa Pilipinas dahil karamihan sa kanilang mga school work ay nangangailangan ng pagre-research sa Internet. Malaking bagay kung ang computer na bibilin ay abo’t kaya. Pero minsanan lang ang pagbili ng computer, kaya naman mahalaga din kung kikilatisin nating maigi ang mga modelo bago ito bilhin. Kaya naman ngayong Pebrero, naisipan ng Kafu Kaden Home Electronics na maglabas sa napakaabotkayang presyo, ng mga bagong modelo ng computer na talaga namang dekalidad.

  Sony Vaio NW51

Kafu Kaden

Kung bilis din lang ang paguusapan,‘di patatalo ang Sony Vaio NW51. Ito’y pinatatakbo ng napakaadvance na Intel Core 2 P8700 na processor na may bilis na 2.53GHz. Siguradong suwabe ang pagbabrowse ng mga software sa 4GB na random access memory (RAM) nito, may sandamakmak na pictures, videos, songs at iba pang fi les ang maaaring ma-store sa hard disk nito, na 500GB ang laki. Pero ang kahanga-hanga sa NW51 ay ang pagkakadisenyo rito. Sa gaan na 6.0 lbs at sa screen size na 15.5” ay madali itong madadala kung saan-saan. Ang mga keys ng keyboard nito’y sinadyang hindi masyadong magkakadikit upang maiwasan ang typographical errors. Ang Display Off features nito ay perfect para sa mahilig magsaksak ng computer sa ibang monitor, o ‘di naman kaya’y sa TV. Mayroon din itong HDMI output para sa malinaw na panonood ng mga video, at may Bluetooth din para sa madaling paglipat ng mga pictures mula sa mga camera phones. Builtin na rin ang microphone, speaker at web camera kaya naman napakadali nitong magamit sa pakikipag-bonding sa mga kamag-anak at kaibigang nasa Pilipinas. Kung ito’y bibilhin sa mga malalaking department stores, naglalaro sa sampu hanggang 11 lapad ang presyo ng NW51. Kung tutuusin ay mura na ang halagang ito sa dami ng advanced features ng nasabing computer. Kaya naman kagulat-gulat na sa Kafu Kaden ay mabibili ang NW51 sa halagang ¥94,800 lamang. Kasama na rito ang pag-convert sa English Windows 7 operating system (OS) at ang delivery charge. Bukod dito’y may kasama rin itong libreng headphones at mouse!

  Toshiba Dynabook BX/31J

Matagal ng kilala ang Toshiba sa larangan ng paggawa ng mga computer. Kaya naman masasabing subok na ang kalidad ng mga modelong gawa nito. Isa na rito ang Dynabook BX31J. Mabilis din ang modelong ito: Intel Core 2 900 ang processor na may bilis na 2.2GHz at 2GB naman ang RAM. Malaki-laki rin ang space ng hard disk nito sa 160GB. Perfect ang design ng BX31J para sa mga estudyante. Magaan at madaling bitbitin ang naturang computer at ang keyboard nito ay may hiwalay na number pad gaya ng mga keyboard ng desktop computers, kaya naman mas madali ang paggawa ng mga school reports at assignments sa naturang computer. Wala mang built-in na web camera ang BX31J, libre naman ang USB web camera na nagkakahalaga ng ¥2,500 kung bibilhin sa Kafu Kaden ang nasabing computer. Sa halagang ¥64,800, talaga namang napakamura na ng BX31J, lalo na kung iisiping kasama na sa presyong ito ang libreng mouse at headphones, ang delivery charge at ang conversion sa English Windows 7 na OS.

  Lahat Mura, Lahat Puwede sa Pilipinas

Dalawa lamang ang Sony Vaio NW51 at Toshiba Dynabook BX31J sa mga primera-klaseng computer na mabibili na abot-kaya sa Kafu Kaden. Sa halagang lima hanggang anim na lapad ay maaari nang makabili ng brand new computer na may magandang specifi cations. Halimbawa na lamang ang Frontier FRN P304 na may CeleronT1600 na processor, 2GB RAM at 320GB na hard disk na mabibili lamang sa halagang ¥49,800 at ang IBM Lenovo G550 na may built-in web camera, Celeron 585 na processor, 2GB RAM at 160GB na hard disk na mabibili lamang sa halagang ¥54,800. Kasama sa mga presyong iyan ang delivery charge, libreng headphone o web camera at mouse at ang pag-convert sa English Windows 7 na OS. At dahil naka-English na ang mga computer sa Kafu Kaden, ang mga ito’y maaari nang ipadala at magamit sa Pilipinas. Bukod sa mga mura at naggagandahang computer, nagbebenta rin ang Kafu Kaden ng mga digital cameras, DVD players, MP3 at MP4 players at mga cellphones na maaaring magamit sa Japan man o sa Pilipinas. Ang Kafu Kaden ay matatagpuan sa Kaneko Heights, 2-20-2, Hyakuninchou, Shinjuku Ward sa Tokyo. Maaaring mag-order sa pamamagitan ng telepono. Ang free dial hotline ay 0120-965-695 at ang landline number ay 03-3367-8003. Para sa mga Softbank users, maaaring tumawag sa 080-3124-9555.


job infomation

Job Information

Job: Sales agent
Salary: Please consult us!
Job Location: Tokyo
Time: 10:30 - 20:00 Six days a week
Requirements : Proper visa status, Japanese, English and Tagalog speaking skills, Basic knowledge of computers and electronics, Eagerness to learn and to work with a team


  Kafu Kaden Home Electronics
    03-3367-8003, 080-3124-9555 (softbank)
    Address : 1F Kaneko Heights 2-20-2 Hyakunincho, Shinjuku-ku, Tokyo





<< Job Top


DOLLAR Exchange Rate
As of 2010-07-29
Php 45.70
Jpy 86.95

What's New!!!

2010.07.30

Philippines Grand Opening!
2010.06.03
Event: Register here
3rd Ambassadors Cup in Marunouchi Club, Chiba
Contact Persons
Mr. Alex Aquino 080-4159-7287

Mr. Yambao 090-6012-5007
Ms. Yamamoto 03-5562-1583

2010.02.25
Event:
PGAJ 2010 Spring Invitational Golf Tournament
Contact Mr. Alex Aquino

Tel: 080-4159-7287, E-mail: pgaj_open@yahoo.com .
Register here
2010.02.10
Take Japanese Language Proficiency Test (JLPT) this year!
2010.01.31
Watch out for renewal of Celesty Online Shopping website http://celesty-jp.com
2009.03.25
Frequently Asked Questions list!
2009.03.11
PinoyLife Online Shopping Page !
2009.03.06
Check out our newly launched Beauty Products site "Celesty"
2009.03.06
For PinoyLife Mobile Forum and Reader Mobile Users -- Download Ringtone for FREE!
2008.12.08
PinoyLife Reader's Login!
2008.11.11
There are 1,000 Pinoylife Members, Join Now, Win Prizes!
2008.09.12
Kita-Kits sa Pinoylife Promo Last Draw!
2008.08.10
Housing/ More Apartments in Tokyo!
2008.07.29
JEES Japanese Language Proficiency Test 2008
2008.07.24
Mobile site renewal
2008.07.20
Join Now! Get Prize campaign started

web PINOY LIFE

Access by your mobile phone!
pinoylife.jp mobile phone QR codeJust send Blank email to
pl@pinoylife.jp from your mobile phone!