Let’s study Japanese at KUMON
Narinig nyo na ba ang KUMON? Isa itong study program kung saan hindi lamang Math, Kokugo at iba pang aralin ang mabilis at epektibong natututunan ng mga pumapasok, kundi pati na rin ang ‘Japanese Language Program’ para sa mga foreigners. Marami sa mga foreign residents sa Japan ang nahihirapang basahin kahit ang mga basic na kataga at salitang Hapon, kaya makisali na kayo sa mga kababayang nais matuto ng Japanese sa pamamagitan ng KUMON!
More>>URL: http://www.kumon.ne.jp/jpn/
KUMON Method
- Maaaring mag-aral ng Japanese sa KUMON sa iba’t ibang lugar sa Japan.
- Maaaring ibase sa inyong schedule ang mga klaseng papasukan ninyo.
- Maaaring magsimula sa kahit anong level na bumabagay sa kakayahan ninyong magsalita ng Hapon.
- Maaaring magkaroon ng sariling schedule para sa pag-aaral.
- Maaaring piliing pumasok sa isang klase o matuto sa pamamagitan ng correspondence course.
Students’ Feedback
Limang taon na akong nasa Japan, pero akala ko imposible para sa akin na matuto ako ng Kanji. Pero ngayon ay nadiskubre kong kaya ko pa rin pala mag-aral kahit 43 taong gulang na ako. Kahit mahirap, lamalaki ang kumpiyansa ko sa sarili ko dahil sa pag-aaral ko ng basic Kanji. (Maria)
Bago ako napunta sa KUMON ay balu-baluktot ang Japanese ko. Halos wala talaga akong alam. Sinubukan kong mag-aral sa pamamagitan ng self-study at pagbabasa ng mga Japanese na libro, pero hindi ako nagtagumpay. Kaya ako napunta sa Kumon. Iyon na nga ang isa sa mga pinakamagandang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Sa pamamagitan ng Kumon, gumagaling na ako sa Japanese! (Batkhuu)
“Paano yan, hindi ako makapag-aral dahil may inaalagaan akong bata sa bahay? ”
“Walang malapit ng KUMON center sa amin!”
Hindi problema, dahil pwede kang mag-aral sa bahay!
Maaari kang mag-aral ng Japanese sa iyong sariling tahanan sa pamamagitan ng correspondence course ng KUMON kung saan pareho ang mga learning materials na ginagamit sa mga klase. Kapag natapos mo na ang ipinadalang materials, ipapadala mo ulit ito sa instructor at padadalhan ka muli ng bago. Mayroon ding mga phone lessons. Subukan ninyo ang mga epektibong KUMON correspondence courses.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa
KUMON Japanese Language Program
Libreng tawag sa 0120-49-4625 (9:20-17:45 Lunes hanggang Biyernes)
May operators kami na Japanese, English, Portuguese, Spanish, Chinese, Korean
E-mail: japanese@kumon.co.jp
URL: http://www.kumon.ne.jp/jpn/
<< Job Top











Just send Blank email to